Ni: Ruel Mendoza
MULING nabigo ang Pilipinas na mapanalunan ang Miss Grand International title sa taong ito.
Hindi nakapasok sa Top 20 ang ating representative na si Eva Patalinjug.
Hindi rin niya nakuha ang Miss Popular Vote kahit na naging usap-usapan siya sa naturang pageant dahil sa muntik na siyang madapa sa entablado habang rumarampa. Si Miss Vietnam ang naging Miss Popular Vote.
Si Miss Paraguay María Clara Sosa Perdomo ang kinoronahang Miss Grand International 2018.n
Isang chef si Clara at marami ang bumilib sa kanyang standout speech noong makapasok ito sa Top 10.
“It is not enough to ignore evil or not do evil; we must start doing good actions, helping others, and teaching our future generation the principle of love, tolerance, and respect,” ayon pa sa speech niya.
Pagdating sa Top 5 ay nasagot ni Miss Paraguay ng maganda ang question na “If you were crowned Miss Grand International 2018 tonight and you could choose one country for your first visit to run your first ‘Stop the War and Violence Campaign’, which country would you choose and what would be your message to them?”
Heto ang kanyang sagot: “If I have the honor of being Miss Grand International 2018, I would choose to visit Donald Trump, because the United States of America is an example for other countries. So my first message for him would be to be an example of peace, love, and tolerance. Thank you.”
Mga naging runners-up ni Miss Paraguay ay sina Miss Japan (4th), Puerto Rico (3rd), Indonesia (2nd) at India (1st).