Ni: Ruel Mendoza
MALULUNGKOT ang fans na nag-aabang sa pelikulang Wonder Woman 1984 dahil sa June 2020 na ito maipalalabas.
Sa unang release date ng sequel sa pinagbidahan na DC film ni Gal Gadot na Wonder Woman, sa November 2019 dapat ito ipapalabas. Pero napagkasunduan ng mga bosses ng Warner Bros na pang-summer release ang Wonder Woman 1984 dahil sa malakas na box-office appeal nito.
“We had tremendous success releasing the first Wonder Woman film during the summer, so when we saw an opportunity to take advantage of the changing competitive landscape, we did. This move lands the film exactly where it belongs,” ayon pa kay Jeff Goldstein, president of domestic distribution ng Warner Bros.
Binalita ni Gadot ang pag-iba ng playdate sa kanyang 2 million followers on Twitter: “Super excited to announce that, thanks to the changing landscape, we are able to put Wonder Woman back to its rightful home. June 5, 2020. Be there or be square!!!”
Nag-tweet din ang director ng Wonder Woman 1984 na si Patty Jenkins tungkol sa summer release ng movie: “Our weekend. Feels like home. Can’t wait for the day to come to share so many people’s great work, blowing me away every day.”
Ang iba pang cast na bumubuo ng Wonder Woman 1984 ay sina Chris Pine, Robin Wright, Kristen Wiig and Pedro Pascal. Magkakaroon din ng special appearance ang original Wonder Woman na si Lynda Carter.
Ang papalit sa November 2019 playdate ng Wonder Woman 1984 ay ang rebooted Charlie’s Angels franchise na bida sina Kristen Stewart, Naomi Scott at Ella Balinska.