Ni: Ruel Mendoza
KAYA naman pala bortang-borta ang katawan ngayon ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ay dahil napapasabak siya sa matitinding action scenes sa aabangan na primetime teleserye with Dingdong Dantes na Cain at Abel.
Sa pinapakitang teaser ng Cain at Abel, makikita ang mga mahihirap na eksena nila Dong at Dennis.
May buwis-buhay stunt pa si Dennis na kinunan sa Santa Cruz, Laguna kunsaan tumalon siya mula sa isang tulay.
Pinost pa ni Dennis sa kanyang Instagram ang naturang eksena at nilagyan pa niya ito ng nakakatuwang caption: “Malinis siya promiseπ€πΌ!π©πΏ #presko #cainatabel π½πΊ”
Kasama sa mga daily workouts ng aktor ay ang kanyang hilig sa pagbisikleta. Pinost nga ni Dennis ang isang video sa IG kunsaan shirtless siyang nagbibisikleta.
Kitang-kita ang mga matitigas niyang abs na nagpakilig sa mga netizens.
Heto ang ilang comments ng netizens sa shirtless bike ride ni Dennis: “Ingat my crushππππππππ”
“Sana sunod mgkasama kayo n mamaw mg bike papaw..”
“May sipa pa ah.. Tara na!!!”
“Shouldnt you be wearing protective gear? Just concerned…”