Sophie, enjoy sa pagiging kontrabida; magiging karibal ni Cora kay Christian

Ni: Nora V. Calderon

christian-cora2

DREAM pala ni Kapuso actress Sophie Albert na mag-try ng iba-ibang role, sa movie at TV man at willing siya kung maging kontrabida rin siya.

“Like po sa bago kong movie, ang ‘Recipe for Love’ ng Regal Films, kontrabida po ako,” sabi ni Sophie sa media conference ng movie na nagtatampok kina Christian Bables at Cora Wadell. 

“Dito po pipilitin kong agawin kay Cora si Christian.  Magtagumpay kaya ako?”

Pero sa kanyang ongoing teleserye ngayon, ang Pamilya Roces, parang bida-kontrabida na si Sophie as she plays the role of Amber, isa sa mga anak ni Roi Vinzon, at anak siya nito kay Elizabeth Oropesa. 

Mga stepsisters niya sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Jasmine Curtis Smith at Shaira Diaz.  Iyon nga, pipilitin naman niyang ma-in love sa kanya si Rocco Nacino na asawa ni Carla.

sophie albert

Ang character ni Amber ibang-iba sa natural na Sophie Albert.  Pero na-challenge daw siya nang malaman niyang second choice lamang siya sa role dahil una itong ini-offer kay Winwyn Marquez pero tumanggi ang beauty-queen actress dahil hindi pa raw siya ready sa mga ganoong role na pa-sexy at mang-aagaw ng asawa.

“Nang basahin ko naman po ang script, hindi naman ako nag-alaala dahil sa TV naman ang teleserye, hindi kami pwedeng gumawa ng masyadong sexy dahil may MTRCB, plus medyo late na ito ipalalabas kaya okey lamang.”

Hindi ba naman nag-react ang boyfriend niyang si Vin Abrenica?

“Kami po ni Vin nag-usap na kami simula pa na hindi kami makikialam sa isa’t isa sa work namin.  Paano kami maggu-grow kung may limitations kami.”

SOPHIE ALBERT 1

Inamin ni Sophie na mas mahirap magpatawa kaysa magdrama.

“Kung minsan po pinapansin ako ni Direk Joel Lamangan kapag lumalabas ang pagka-slang ng dialogue ko, eh si Amber medyo may pagka-shunga.  Ngayon po nasanay na ako sa character ko bilang si Amber, pero takot pa rin ako kay Direk Joel kaya pinagbubuti ko ang acting ko.”   

Ang isa pang ikinatutuwa ni Sophie sa Pamilya Roces, may daddy siya na nakakausap niya at nagbibigay ng advice sa kanya.

Miss na rin niya ang kanyang daddy na 17 years nang comatose, bata pa raw siya nang ma-stroke ang ama, pero maayos naman ang kalagayan nito, kasama ang mommy niya sa Tarlac.

Sa Wednesday, November 21 na ang showing nationwide ang Recipe for Love na dinidirek ni Jose Javier Reyes at ang Pamilya Roces naman ay napapanood gabi-gabi after ng Onanay.

Enrico Cuenca (4)

Samantala, kahit medyo matagal na rin nilang nagawa ang Recipe for Love ng Regal Films, natatandaan pa rin naman ni Enrico Cuenca ang role niya sa movie na dinirek ni Jose Javier Reyes.

Siya raw si Benjie, ex-boyfriend ni Cora Wadell na magiging boss siya later on.  Si Christian Bables daw naman ang present boyfriend ni Enrico.

Ngayon ay busy naman si Enrico taping Onanay na hangang-hanga siya sa husay umarte ng little people na si Jo Berry as Onay sa teleserye.  Bilib din daw siya kay Jo na ang bilis-bilis kumilos.  Napapanood sila gabi-gabi pagkatapos ng Victor Magtanggol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s