Ni: Nora V. Calderon
GUSTO naming batiin ang Sunday PinaSaya, dahil kahit siniraan silang magbabago sila ng mga segments nila dahil natatakot sila sa katapat nilang show na ASAP na pinangunahan na simula noong Sunday, November 18, ni Regine Velasquez, hindi naman sila nagpatinag.
Ayon kay Rams David, Executive Producer ng noontime variety show, wala silang babaguhin, mananatili sila sa pagbibigay ng saya sa mga manonood nila tuwing Linggo ng tanghali, dahil doon sila nakilala sa mga comedy sketches na ginagawa nila.
Siguro ang idadagdag nila ay ang pagbabalik ng mga dating comedy shows ng GMA tulad ng Ober da Bakod para i-refresh sa mga millennials ang mga comedy shows and skits noon.
True enough, sila pa rin ang number one noontime show every Sunday, ayon sa AGB Nielsen NUTAM, nagkamit sila ng 6.3% over ASAP na nakakuha ng 5.7%. Kung hindi kami nagkakamali sa loob ng tatlong taon nang napapanood ang Sunday PinaSaya, laging sila ang nangunguna sa rating game.
Isa pang show na produced ng APT Entertainment at M-Zet Productions, ang Daddy’s Gurl, nakakuha naman sila ng 10.7% laban sa PBB Otso na 9.2% Congratulations.