Ni: Rose Garcia
MAY Christmas gift naman pala ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa mga fan niya.
Obviously, ito ang hindi pa masabi-sabi ni Alden noon kaya talagang ang primetime series niya na Victor Magtanggol ay mahirap na i-extend pa rin, naka-plano na talaga si Alden for Daig Kayo ng Lola Ko na kunsaan, Christmas special ng show at ang tema ay puro pampamilya.
Buong buwan ng December mapapanood si Alden dito.
Heard, may isa pa itong pasabog ngayong December, most likely bago siya umalis papuntang America para sa Christmas vacation niya kasama ang pamilya na matagal na rin niyang nai-set.