Ni: Ricky Calderon
MATAGAL nang pangarap ni Coco Martin na makatrabaho si Bossing Vic Sotto kaya naman tuwang-tuwa ang Hari ng Primetime nang payagan siya ng ABS-CBN na gawin ang Jack Em Popoy The Puliscredibles para sa Metro Manila Film Festival.
Kaya naman tiniyak ni Coco at ni Bossing Vic, na maganda ang pelikulang handog nila sa mga tumatangkilik sa MMFF.
Kumpletos recados ang movie – may action, drama, comedy, romance ang pelikula na bagay na bagay para sa buong pamilya.
Bata pa raw siya ay tradition aa sa pamilya ni Coco ang panonood ng sine sa tuwing MMFF.
Bonding time raw nila ito tuwing Pasko. Idol na idol niya si Bossing Vic kaya bawat filmfest entry nito ay kanyang pinapanood.
Kaya naman laking tuwa ni Coco nang matuloy na ang pagsasama nila sa pelikula.
At may bonus pa. Hindi lang si Bossing Vic ang nakasama ni Coco sa movie kundi may Maine Mendoza pa.
Iba na talaga ‘pag mabait ang tao, like Coco May swerteng kasama ito.