Ni: Ruel Mendoza
NAG-PLEAD ng “not guilty” ang Hollywood actor na si Kevin Spacey sa sinampa sa kanyang sexual assault charges dahil sa paghipo niya sa isang 18-year old boy noong 2016.
Inakusahan ang 59-year old two-time Oscar winner of “inappropriately touching” ng isang employee ng Club Car, a restaurant and bar on Nantucket, an island off Cape Cod in Massachusetts noong July 7, 2016.
Noong hearing ng kaso, naging tahimik lang si Spacey at nag-enter ito ng “not guilty” plea.
Sa naganap na 10-minute hearing, pinagsabihan ang aktor na hindi siya allowed na makipag-contract sa alleged victim at muli siyang haharap sa korte on March 4, 2019.
Hindi naiwasan ni Spacey ang maraming media people dahil ayon sa kanyang lawyers kailangan niyang uma-attend ng arraignment.