NI: Nora V. Calderon
TEN months ago na pala nang ganapin ang story conference ni Jo Berry para sa family drama series nilang Onanay.
Pero bago ito ipinalabas, unang napanood ang little people na si Jo nang gampanan niya ang real life story niya sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.
Sa Onanay, si Jo ay si Onay na may bone growth disorder kaya hindi siya lumaking may normal height. Very positive sa buhay, nagkaasawa ng normal guy si Onay, nagkaroon ng dalawang normal daughters, sina Rosemarie/Natalie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos).
Tuluy-tuloy na sinusubaybayan ng mga netizens ang Onanay sa direksyon ni Gina Alajar, na ngayon ay nasa third season na.
Nabiro tuloy si Jo na mayaman na siya. Hindi raw naman.
“Mas nakaluluwag-luwag lang po,” sabi ni Jo.
“Malaki-laki na ang naitutulong ko sa family ko. Noon pong Christmas at New Year, nakatulong na ako magkaroon kami ng mas masaganang handaan kaysa noong nakaraan. I’m really thankful to God for all the blessings He has given me.”
Kailan naman siya magkakaroon ng lovelife?
Nagkaroon na rin si Jo ng romantic relationships in the past, with tall, normal men, pero, “right now po, wala akong karelasyon. Mas focus ako ngayon sa work ko at mahirap silang pagsabayin. Siguro po, darating din iyon, right now mas concerned ako kung paano labanan si Helena (Cherie Gil) at mapapayag ko si Rosemarie na sumama na sa akin dahil ako naman ang tunay niyang ina. Gusto ko po lamang magpasalamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa ‘Onanay’ gabi-gabi pagkatapos ng ‘Cain at Abel’.”