NI: Rose Garcia
GRADED A ang pelikulang Elise ng Regal Films na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Enchong Dee.
Napanood na namin ang pelikula at ‘di naman nakakapagtaka na mabigyan ang Elise ng Graded A ng C.E.B.
Matino ang pagkaka-direk ng director ng movie na si Joel Ferrer at the same time, sumulat din. For some reason, special sa kanya ang pangalang Elise.
It’s about first love, moving-on also ang movie na hindi na namin mailarawan pa dahil tiyak mabibigay namin ang spoiler.
Ibang putahe naman ng partnership ang mapapanood sa pagitan nina Enchong at Janine na parehong mahusay sa kanilang roles.
Pre-Valentine’s offering ng Regal ang Elise ngayong February 6.