NI: Ruel Mendoza
MALAPIT na palang matapos ni Yasmien Kurdi ang kanyang kurso na Political Science sa Arellano University.
Tila walang sawang mag-aral si Yasmien. Ilang kurso na rin ang kinuha niya tulad ng Foreign Service sa New Era University at Nursing sa Global City Innovative College.
Pero sa gitna ng kanyang pag-aaral ay napagsasabay niya ang pagiging artista at pagiging ina at asawa.
“Andami ko na ring nakuhang units sa college, tapos nakailang course shifts na rin ako, ‘nung una Foreign Service, tapos naging Nursing, pinakamatagal na nag-stay ako sa Nursing. Pero ang matatapos ko is PolSci,” pagmamalaki ni Yasmien.
Thesis defense na lang daw ang gagawin nila ng group mates niya ay kapag napasa nila iyon ay tuloy ang pag-graduate nila this year.
“Super busy ngayon! Pagod na pagod ako ngayon kasi nag-re-defense kami pero ‘pag natapos ko na ‘yung thesis ko, eh di tapos na talaga, graduation na.
“Medyo mahirap siya kasi scheduling wise, kailangan kong i-balance lahat. Nag-so-sorry ako minsan sa asawa ko kasi na-mi-miss niya na ako. Sabi ko sa kaniya, ‘Konti na lang, mga one month na lang, okay na ako. Marami na akong free time.'”
Mapapanood si Yasmine soon sa GMA teleserye na Hiram Na Anak.