NI: Ricky Calderon
HUMAHATAW sa takilya ang movie nina Enrique Gil at Liza Soberano titled Alone/Together.
Sa unang araw ng showing ay humamig agad ito ng P21 million plus na gross sa box-office and after two days ay umabot na sa P60 million plus ang kinita ng latest starrer ng Liz-Quen tandem.
Sabi ng ilang showbiz observers, itong movie ng Liz-Quen ang pumatay sa slump na nararasan ng Pinoy movies in the recent weeks.
Totoong sobrang hina sa takilya ng mga pelikulang sunud-sunod na nagbukas kaya may emote si Direk Erik Matti na dapat daw mag-step in na ang gobyerno para tulungan ang naghihingalong film industry.
Pero ang pagdasa ng mga fans para panoorin ang Liz-Quen ay patunay na kapag gusto ng mga tao ang movie, maganda ang kuwento at mahusay ang mga artista, maglalabas sila ng pera para manood.
Siyempre importante rin na well-promoted ang film para aware ang mga manonood na there is such movie na ipalalabas soon.
Sa lakas ng movie ng Liz-Quen na dinirek ni Antoinette Jadaone, inababangan na kung mapapantayan o kaya ay mabi-break ang P800 million plus global gross ng KathNiel tandem na The Hows of us.
Sana ay mas lalo pang lumakas ang kita ng Alone/Together ngayong weekend and hopefully ay kumita rin ang mga pelikula na magbubukas next week.