NI: Ricky Calderon
PINAG-USAPAN ng mga netizens ang napakahusay na acting ni Superstar Nora Aunor sa recent episode ng Onanay.
Ito ‘yung episode kung saan namatay ang karakter na ginagampana ni Gardo Versoza. Lahat ng mga nakapanood ay puring-puri ang acting ni Nora.
Mata lang pero damang-dama mo ang lungkot at bigat ng eksena.
Dalawang gabing tumutok ang mga fans sa madamdaming episode ng Onanay kung saan nagpamalas ng husay si Nora.