NI: Throy Catan
HINDI maiwasang i-compare ang acting performance nina Jak Roberto sa Kapuso show na Magkpakailanman, at Vance Larena sa Kapamilya show na Maalaala Mo Kaya. Parehong pinalabas ang dalawang shows nung Sabado, Marso 23.
Parehong tinutukan ng mga manonood ang dalawang drama anthologies. Maraming nanood ng latest episode ng Magpakailanman dahil ikinuwento ang buhay ng online sensation na si Dante Gulapa. Tinutukan naman ng manonood ang Maalaala Mo Kaya tungkol sa buhay ng isang binatang nag-aral sa bilanguan.
Parehong inspiring ang mga kuwento at marami ang naka-relate at humanga sa katatagan ng mga nasabing karakter.
Marami ang napabilib sa pag-arte ni Vance lalo na sa mabibigat na eksena, while marami ang napabilib sa kaseksihan ni Jak.
Pagdating sa rating, hindi nagpatalo ang dalawang network. Parehong nilang pinakita ang kanilang mataas na ratings. According sa Nationwide (NUTAM) People’s Ratings ng Nielsen, 12.1% ang nakuha ng Magpakailanman, while 10.2% ang nakuha ng Maalaala Mo Kaya. Samantala, sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, 27.5% ang nakuha ng Maalaala Mo Kaya, habang ang Magpakailanman ay nakakuha ng 17.5%.