NI: Throy Catan
MISMONG si Imelda Papin ang pumili sa recording artist na si LA Santos na i-revive ang kanyang OPM classic na Isang Linggong Pag-ibig.
Kahapon, Marso 26, nagkaroon ng contract signing para i-release ang nasabing kanta. Nangyari ang nasabing contract signing sa Papa Kim’s sa Tomas Morato. Kasama ni Imelda at LA sa contract signing ay sina Roxy Liquigan ng Star Music, Atty. Marivic Benedictos at and kompositor na si Jonathan Manalo. Hindi nakapunta ang composer ng Isang Linggong Pag-ibig na si Dr. Mon Del Rosario dahil sa kanyang busy schedule.
Nagpasalamat si LA kay Imelda na binigyang magkaroon ng ganitong opportunity, “Siyempre po, sobrang thank you po na binigay sa akin po ang kantang ito kasi dati ko po siya kinakanta nung hindi pa po kami nakakakilala ni Tita Mel (Imelda Papin).” Sabi ni LA.
Inalala rin niya noon ang una niyang memory sa kantang Isang Linggong Pag-ibig, “Pinaka-first time ko narinig sa ano lang po sa radio habang nagluluto lang si mommy… Parang nag-stuck lang sa isip ko sa pagkanta ko.” Sabay tawa ni LA.
Anong advise ang sinabi ni Imelda during the recording? “Sinabi po sa akin ni Tita Mel po nung ni-record po namin ito na natural emotion ko lang po. Tapos kung ano po ang nararamdaman ko, iyun ang ilabas ko.”
“At Nagpapasalamat po ako kay mommy na nandyan siya palagi para suportahan po ako.” Mensahe ni LA sa kanyang ina na si Mommy Flor.
Matatandaan natin na ni-release ni LA ang kanyang self-titled debut album nung 2016 under Star Music kasama ang catchy na kantang, Tinamaan, na kinompos ni Jonathan Manalo. Last year, nanalo si LA bilang New Male Recording Artist of the Year award sa 10th PMPC Star Awards for Music.
Para sa dagdag na detalye tungkol kay LA Santos, bisitahin ang kanyang Facebook page.