NI: Throy Catan
KUMAKALAT ngayon sa social media na posibleng bumalik sa showbiz si John Lloyd Cruz dahil sa isang viral photo.
Nagsimula ito nang pinost sa official Instagram account ni Piolo Pascual ang nasabing letrato. Sa picture, may isang lalaking nakatalikod at may logo ng kilalang shawarma store sa upper-left corner. Sa nasabing post, may caption na nilagay si Piolo: “If thats you iām happy coz ur my brotherš welcome to the family!”
Marami ang nag-comment sa post na ang lalaking nakatalikod ay si John Lloyd Cruz.
Meron ibang netizen na pabirong sinabi na ang lalaki sa picture ay si Empoy dahil sa kanyang bigote, and also isa sa malapit na kaibigan ni Piolo. Iyun nga lang hindi konektado sa comment si Empoy dahil active pa rin sa showbiz ang komedyante.
Matatandaan natin na nag-file ng ‘indefinite leave’ si John Lloyd nung October 2017 for “personal matters”.
Sabi ng iba ay related ang indefinite leave sa kanyang partner na si Ellen Adarna. Ang iba ay nagsasabi na gustong magbago ng career, at maging artist. Kamakailan lang ay may bago siyang art exhibition sa West Gallery kasama ang kapwa niyang artist na sina Kaloy Sanchez, Kawayan de Guia, at Tatong Torres.