NI: Throy Catan
HABANG tumatagal ay pabonga nang pabonga ang music career ni Ian Veneracion.
Last Thursday, Abril 4, pinost sa kanyang Instagram account ang kanyang upcoming concert tour sa Canada na may pamagat na โSoul and Heartโ. Pinost ni Ian ang trailer ng kanyang concert with a caption โI’m excited!”.
Makakasama ni Ian ang Star Music recording artist na si LA Santos at ang Grammy Award winner na si Patti Austin.
Ang โSoul and Heartโ ay may 5 shows na tatagal until May 4. Mag-uumpisa ang tour sa Vancouver on April 26 at magtatapos sa Calgary on May 4.
Matatandaan natin na sunud-sunod na ang kanyang live performance sa TV, radio, and online. Isa na rito ay ang live performance niya sa Wish 107.5 at Rappler Live Jam. Last year, kinanta rin niya ang โIkawโ na theme song ng independent animated movie na Paglisanโ.