NI: Throy Catan
NI-REVEAL ng Regal Entertainment Inc. sa kanilang Facebook page na may upcoming movie sina Diamond Star Maricel Soriano at Janella Salvador. Ang title ng movie ay “The Heiress“.
Sa FB post, may picture sina Maricel, Janella, ang director na si Frasco Mortiz, at ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde. May nakalagay sa caption na “Filming SOON”
Wala pang nilalabas kung ano talaga ang plot ng movie, pero magkakaroon ng story conference after Holy week.
May balita na posibleng i-cast sina Carmina Villarroel at McCoy de Leon. Sa ngayon ay hindi pa confirm kung makakasama sila sa nasabing pelikula.
Ang The Heiress ay ide-direct ni Frasco Mortiz, at si Gina Marissa Tagasa ang sumulat ng script.