NI: Rose Garcia
BABY boy ang ipinagbubuntis ni Chynna Ortaleza.
Tama ang hula namin na baby boy naman ang ipinagbubuntis ngayon sa ikalawang pagkakataon ng Kapuso star.
Girl ang panganay nina Chynna at Kean Cipriano na si Stellar. Nakakausap namin si Chynna bago pa man niya ini-announce na buntis na naman siya.
At ito mismo ang nagkukuwento na magkaibang-magkaiba ang mga nararanasan niya sa second pregnancy as compared nang ipinagbubuntis niya ang panganay.
Uso na talaga ang pa-gender reveal, sa pamamagitan ng cake kung ano ang nasa loob nito malalaman ng mga bisita kung babae o lalaki nga ang baby nila.
Kahit na nasa early stage of pregnancy pa rin, nalaman na agad nila ang gender ng baby dahil daw sa bagong pregnancy kit na gamit nila.