NI: Nora V. Calderon
NILINAW agad ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang lumabas na balitang gumagamit siya ng isang produkto para siya pumayat.
Narito ang pahayag ni Juday sa kanyang @officialjuday Instagram post: “Once again… i am not endorsing “Purple Mangosteen” …never saw this product, never tried… and never will…. hindi ko kilala kung sino ang gumagawa nito. My team tried reaching out to them, pero walang nagrireply sa kanila. I DONT HAVE ANY FACEBOOK ACCOUNT ANYMORE… pls. Beware of people using celebrities to promote their products… hangga’t hindipo mismong ako o kahit na sinong celebrity ang nag-post or nagsabing ginagamit namin ang isang produkto, wag na wag po kayong maniniwala… kaya may mga sarili kaming accounts para mismong sa amin manggaling ang mga balita na gusto naming iparating sa inyong lahat… salamat rin sa mga taong concern at nagtanong kung kunektado ko sa produktong ito… if you are following the facebook account under “JUDY ANN AGONCILLO or JUDY ANN SANTOS AGONCILLO” pls pls pls unfollow.”