NI: Throy Catan
SHINARE ni Rayantha Leigh ang experience niya sa Grand Music Palace Philippines.
Sa mga hindi nakakaalam, ang Grand Music Palace Philippines ay isang kilalang entertainment company na nagbibigay ng murang music course sa voice, piano, guitar, violin, and keyboard owned by our dear freinds Roger de Leon and Prof. Ryan Manal. Isa sa mga sikat nilang estudyante ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Tori Garcia, singer Ronnie Liang, actor Aljur Abrenica, Sofia Andres, Geoff Eigenmann, at marami pang iba.
Last week, June 3, kasama si Rayantha Leigh sa recital ng nasabing entertainment company. Pangatlong taon na ito ni Rayantha at ibinahagi sa akin ang kanyang natutunan bilang singer. Anya: “Mas nae-enhance ko ang boses ko po. Siyempre natutunan ko ang mga technique [sa pagkanta].
“Dito po talaga lumabas ang boses ko talaga… kasi noon, nung hindi po ako nagvo-voice lesson dito, ang boses ko ay hindi po pang-recording.”
Pero tingnan niyo ngayon si Rayantha, meron nang self-titled album na ni-release last month at kabi-kabila ang mga projects sa ‘Pinas hanggang sa ibang bansa. Last year, nanalo siya bilang New Female Recording Artist of the Year 2018 award sa PMPC Star Awards for Music.
Ano kaya ang mapapayo ni Rayantha sa mga baguhang singer na gustong makamit ang kanilang pangarap?
“Ang advise ko po sa inyo is maging confident kayo sa boses niyo, and mag-enroll po kayo sa mga voice lessons para mukhang professional talaga katulad sa Grand Music Palace Philippines.” Advise niya.
Kasalukuyang busy si Rayantha sa kanyang mall shows para i-promote ang kanyang album, at parte siya sa cast ng kanyang bagong movie na “Unang Yugto” kasama sina Kikay Mikay, Lotlot de Leon, Martin Escudero, at marami pang iba.
Abangan ang kanyang upcoming show ni Rayantha sa Hong Kong. Ang show na “Streetmovers 6th Year Anniversary” ay gaganapin sa Central Hongkong near General Post Office Central sa darating na June 16, Linggo.
For further information kay Rayantha, bisitahin ang kanyang official Facebook page.