NI: Ruel Mendoza
MULING ipapalabas ang Avengers: Endgame sa mga sinehan pagkatapos ng dalawang buwan nitong pamamayagpag sa global box-office.
Sa pag-release ulit nito for the second time, isasama na ang additional footages na hindi nakasama sa official cut noong April.
Paghahanda rin daw ito sa pagpapalabas ng bagong Marvel film na Spider-Man: Far From Home na pagbibidahan ni Tom Holland.
Kinumpirma ito ng Marvel Cinematic Universe executive na si Kevin Feige: “We are doing that. I don’t know if it’s been announced, and I don’t know how much… Yeah, we’re doing it next weekend.”
Sa additional scenes na isasama sa Endgame, tiyak na mas magiging exciting at muli itong kikita ng malaki sa box-office.
Hindi kasi na-reach ng Endgame ang goal na ma-dethrone nila bilang Highest Grossing Film of All-Time ang 2009 film na Avatar ni James Cameron na may global box-office record na $2.788 billion.
Inabot lang ng Endgame ay $2.743 making it only to be the second highest grossing film of all-time.