NI: Rohn Romulo
ITO pala ang sinasabi ni Sylvia Sanchez na may pelikulang gagawin ang anak niyang si Arjo Atayde sa Viva Films at makakasama si Aga Muhlach.
Pasok si Arjo sa Pinoy version ng blockbuster Korean movie na Miracle in Cell No. 7, na napanood noong 2013 at kumita ng $80.3 million na ini-release ng Viva Films.
Una na ngang nabalita na magkakasama sina Aga at Nadine Lustre sa isang pelikula at ngayon nga ay lumabas na at kasama pa si Arjo na tinanggap agad nang ialok sa kanya dahil gustung-gusto ang kuwento ng pelikula.
At malamang matindi ang ibibigay sa kanyang role na malamang makakasama ni Aga sa loob ng ‘cell no. 7’.
Napanood namin ang movie at ilang ulit kaming umiyak sa kuwento nito na tungkol sa amang nakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
May diperensiya kasi sa utak ang tatay na gagampanan ni Aga na pinagbintangang sinaktan ang isang batang babae na aksidenteng nadulas sa kalye na naging sanhi ng pagkamatay nito.
At dahil mahirap at walang nagtanggol sa tatay kaya hinuli ito ng mga pulis hanggang sa malaman ng kanyang anak na nasa kulungan na siya.
Gumawa ng paraan ang bata para makapasok sa kulungan at makasama muli ang ama sa tulong na rin ng kapwa inmates ng ama.
Nasintensiyahan ng parusang kamatayan ang tatay at napunta naman sa bahay ampunan ang anak na nagsikap makapag-aral hanggang sa maging abogado na magiging role ni Nadine
Muli nitong pabubuksan ang kaso ng ama para ipagtanggol ito at patunayang walang kasalanan.
Intended for 2019 Metro Manila Film Fesival ang movie remake na ididirek ni Nuel Naval na tiyak na magpapaiyak sa mga manonood at posibleng maging hit din ito.
Anyway, isa si Arjo sa nominated sa category na Best Supporting Actor para sa kanyang napakahusay na pagganap sa BuyBust sa 3rd EDDYS Awards ng SPEEd na gaganapin ang Awards Night sa New Frontier Theare sa July 14, 2019.