NI: Throy Catan
NAGSIMULA na ang paghahanap ng bagong singing sensation sa nationwide singing contest na “Battle of the Voices“.
Ang unang stop ng grand audition: Robinsons Tagaytay. Napadpad ang TJC Entertainment Productions Team sa Tagaytay last Saturday, July 6. Ang TJC Entertainment Productions ang nag-produce ng nasabing singing contest.
Umpisa pa lang ng ‘battle’ ay todo bigay na ang mga nag-audition. Ang iba ay dating finalist pa ng Tawag ng Tanghalan. Meron namang mga first timer na sobrang husay rin sa pagkanta.
Pagkatapos ng audition, nag-perform ang ilan sa mga magagaling na singers sa industriya. Unang sumalang ang rising star na si Irene Solevilla at pinakita ang kanyang ability sa pag-whistle habang kinakanta ang awiting Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.
Kahit paos ang dating contender ng Tawag ng Tanghalan na si Jennelyn Gagajena, marami ang na-entertain sa kanyang rendition ng Sundo na pinasikat ng bandang Imago.
Marami ang naaliw sa performance ni Lester Paul habang kinakanta ang Perfect Strangers at Rude.
Abangan ang susunod na grand audition ng Battle of the Voices. Next stop: Marikina Riverbanks sa July 13, at sa Robinsons Sta. Rosa on July 14.
Ang Battle of the Voices ay produced by TJC Entertainment Productions and directed by Throy Catan.
Special thanks sa mga sponsors: Above Aesthetics, Frontrow, Dental First, Throycath Travel and Tours Agency, Bakes & Brews, CN Halimuyak, Mogu Mogu, at RIJ Events and Talents Management.
Para malaman ang susunod na venue ng grand audition, bisitahin ang TJC Entertainment Productions Facebook page.