NI: Rose Garcia
TALAGANG maliit lang daw ang role ni Nadine Lustre sa film adaptation ng Korean film na Miracle in Cell No. 7.
Ito ang movie na pagsasamahang nila ni Aga Muhlach sa VIVA Films. Pero yun nga, dahil isa ito sa paborito naming Korean film, ang bida talaga sa naturang movie ay ang tatay na mentally impaired na obviously, role ni Aga at anak nito na batang babae.
Ang character ni Nadine, since wala rin kaming makitang iba na magpi-fit sa kanya than of the character portrayed by South Korean actress, Park Shin Hye, e, sa pagkakatanda namin, sa ending na lang lumitaw.
Hindi romantic ang role nila kung hindi bilang mag-ama at halos wala silang interaction dahil si Nadine ang adult na bata.
Pero kahit tila cameo lang ang role ni Nadine, sure kaming magmamarka pa rin ito.