NI: Rose Garcia
PINUPURI ng netizens ang bagong mommy na si Rochelle Pangilinan.
Pagkatapos ng halos tatlong buwan nang manganak ito, aba e, ang sexy na muli!
Version 2.0 nga raw at talaga namang handang-handa na sa pagbabalik.
Napakahirap sa halos maraming bagong nanay ang magbalik-alindog kaya talagang ang daming humahanga kay Rochelle nang magpakita para sa storycon ng comeback serye niya, e, seksi-seksihan na agad.
Nag-work-out, nag-jogging talaga si Rochelle para maibalik niya agad ang alindog nang malaman nito after na manganak na puwede na siyang mag-exercise talaga.
Eh, February lang siya nang manganak sa first baby nila ni Arthur Solinap na si Baby Shiloh ha.