Derek, inamin na aprub ang kanyang mommy na maging girlfriend si Andrea

NI: Nora V. Calderon

MUKHA ngang sa relasyon mauuwi ang pagtatambal ng Kapuso hunk actor Derek Ramsay at sexy actress Andrea Torres ng Kapuso sexy drama series na The Better Woman. 

Sa isang interview, inamin ni Derek na aprub ng mommy niyang maging girlfriend niya si Andrea, ngayong loveless siya.

Hindi rin nag-deny si Derek sa pagsasabing nagustuhan ng mommy niya si Andrea nang makilala ito noong mediacon ng first serye niya sa paglipat niya sa GMA. At madali raw nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Hindi lamang si Andrea ang na-meet ng  mommy niya ang parents din nito, dahil in-invite ng daddy ni Derek ang parents ni Andrea nang mag-celebrate ito ng 76th birthday last July 31.

Kaya hindi na nagtaka ang mga netizens nang makitang kasama ni Derek si Andrea sa Shanghai, China nang sumali siya at ang kanyang Frisbee team sa World Flying Disk Federation 2019 Asia Oceanic Ultimate and Guts Championships. Inamin ni Derek na inimbita niya si Andrea na samahan siya sa Frisbee competition at five days silang nandoon, regret lamang ni Derek hindi niya naipasyal si Andrea na first timer pala sa Shanghai, dahil hindi sila pwedeng lumabas three times a day ang game nila.  Pero thankful si Derek na sinamahan at sinuportahan siya ni Andrea during the competition.

Derek & Andrea - Shanghai, China

Pero hindi pa inamin ni Derek na sila na ni Andrea.

“But she’s a great woman, a very talented actress and even better human being, she loves her family.  Her mom always come on the set, natutuwa ako doon, dahil makikita mo na mahal niya ang kanyang family, ganoon din ako, very important sa akin ang family ko.  At si Andrea, she is beautiful.”

Sa ngayon ay papatindi na ang mga eksena sa The Better Woman na naiipit si Andrew (Derek) sa pagitan ng kambal na sina Jasmine, his wife, at Juliet, dahil nabuntis niya si Juliet nang magpanggap itong siya si Jasmine.  Saka naman swerteng nabuntis din si Jasmine.  Ano kaya ang mangyayari? Ang The Better Woman ay napapanood sa bagong timeslot, after ng romantic comedy series na Love You Two.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s