Derrick, honored na pinagkatiwalaan ng GMA-7; ipangtatapat kay Coco

NI:  Rose Garcia

NGAYONG gabi na mapapanood sa GMA Telebabad ang pinakabagong primetime series ng GMA-7, ang Beautiful Justice na tatapat sa long-running at top-rating show na FPJ’s Ang Probinsyano.

Positibo naman ang director ng Beautiful Justice na si Direk Mark Reyes na may ilang beses na rin tumapat sa A.P. ang mga seryeng dinidirek at ang cast sa pangunguna na nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia na magugustuhan ng mga manonood ang B.J.

Katwiran nga nila, pwede naman daw na sumubok naman ng bagong maio-offer sa primetime ang mga manonood.

beautiful justice

Sa mga lalaking cast, tila si Derrick Monasterio ang ipinangtatapat ng Kapuso ngayon kay Coco Martin. And knowing Derrick na chill at cool lang ay honored at pressured raw siya sa tapatang ito.

Sabi pa niya, “Honored dahil may tiwala sila sa akin, pero at the end of the day, yung tatlong girls din naman ang magdadala. But of course, kaming lahat, buong cast. Pero siyempre, sila yung billing. Feeling ko naman kaya nila ‘yan at alam kong kaya nila,” positibong sabi niya.

May pressure pa rin siyang nararamdaman?

“Meron,” pag-amin niya.

“Yun nga e, kapag hindi nag-work, eh ‘di, hindi nag-work. Pero ang maganda rito, nakagawa ka ng show na nabigay mo yung best mo. Na may matutunan ang tao sa ‘yo.”

Tungkol sa PDEA, war on drugs ang isa sa tema ng action/drama series na Beautiful Justice.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s