NI: Rohn Romulo
PATULOY ang paghataw ng Beautéderm Corporation sa merkado, sa pagbago ng maraming buhay, at sa pag-beautéfy nang ‘di mabilang na mga tao sa grand opening ng flagship store na matatagpuan sa second level ng Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.
Present ang Beautéderm Preseident and CEO na si Rhea Anicoche-Tan at si Marian Rivera-Dantes, na inilunsad nuong nakaraang taon bilang face of Beautéderm Home, sa blessing ng kanilang flagship store nuong Setyembere 18 na dinaluhan din ng mga loyal customers ng brand, ng mga resellers, ng mga distributors, at mga miyembro ng mainstream press at pati na rin ng madaming mga tagahanga ng Primetime Queen ng Kapuso network.
Endorser si Marian ng Reverie by Beautéderm Home – na isang exquisite line of home scents – na kinabibilangan ng mga soy candles, room sprays, at linen sprays, na lahat ay nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan kay Marian upang maging mas kumportable ang bawat tahanan.
Sa paglipas ng panahon, naging matalik na magkaibigan sina Rhea at Marian at lumagpas na ang samahan sa kanilang partnership.
“Bukod sa isa si Marian sa aming mga top celebrity endorsers at ang association niya with the brand ay talagang nakatulong sa pag-boost ng sales ng aming mga produkto, siya rin ay aking pinakamamahal na kaibigan,” sabi ni Rhea.
“Masarap katrabaho si Marian at isa rin siya sa sweetest and most caring friend anyone could ever hope for. Proud at grateful at kasama naming siya sa Beautéderm team.”
Si Marian naman ay tuwang-tuwa na maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Beautéderm.
“I feel blessed at honored din sa tiwala na binigay sa akin Rei para i-represent ang Beautéderm Home,” sabi Marian.
“Ang aking partnership sa Beautéderm ay isa sa pinakamaganda at nakakataba ng puso dahil para na kaming magkapatid ni Rei. Pamilya ko na ang buong Beautéderm staff.”
Isang dekada na ang nakararaan, ay nagtatrabaho si Rhea bilang Vice President for marketing ng isang malaking appliance company. Pinaglaruran niya ang isang creative business idea gamit ang 3,000 pesos bilang start-up capital.
Ang ideya na ipinanganak sa puso at isipan ay kinakatawan ang kanyang prinsipyo sa buhay na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa ating mga sarili at kapag ito ay ating gianawa, tayo ay magiging mas malusog at makakapagpamalas tayo ng kagandahan, ‘di lamang sa panlabas ngunit sa panloob na rin.
Kaya naman ipinanganak ang Beautéderm Corporation. Sa kagustuhan ni Rhea na i-beautéfy ang bansa, “one person at a time” sa pamamagitan ng mga dekalidad na produkto na nagbibigay ng pinakamabilis, pinaka-epektibo, at most sustainable na resulta, na hinaluan pa ng kanyang unwavering commitment sa hard-work at perseverance, at kanyang pananampalataya, ang dating simpleng online distribution business ay unti-unting lumaki bilang isa pinakamatagumpay na negosyo na nagsimula sa Angeles, Pampanga.
Mahalaga para sa Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lammang ng mga plant-based na sangkap na masusing pinagsama-sama upang maibigay ang pangako nito na hindi lamang pisikal na kagandahan sa bawat gumagamit nito ngunit maunlad na buhay din para sa mga resellers at distributors nito.
Isang consistent Superbrands awardee ang Beautéderm. Ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang perfume collection nito na kinabibilangan ng Origin Series perfumes for men, at maraming pang iba – na lahat ay pawang top-selling products sa merkado.
Sa ngayon, mayroong humigit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw rito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa.
Mayroon ding physical stores sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambassadors ang kumpanya na kinabibilnagan ng mga aktor at aktres, TV personalities, singers, beauty queens, politicians, comedians, at mga social media influencers.
Sa Linggo, Septyembre 22 sa ganap na ika-apat nang hapon sa Marquee Mall, pormal na bubuksan ng Beautéderm ang pinto ng flagship store nito sa publiko sa pamamagitan ng isang grand mall show na pagbibidahan ng pinakamaningning na ambssadors nito gaya ng Face of Beautéderm na si Sylvia Sanchez; mga award-winning actresses na sina Glydel Mercado at Lorna Tolentino; mga young dramatic actors na sina Carlo Aquino, Arjo Atayde, Matt Evans, at Ejay Falcon; mga young actresses na sina Jane Oineza, Ria Atayde, at Pauline Mendoza; ang television personality na si Hashtag Ryle; ang komedyanang si Kitkat; ang mga veteran actors na sina Ton Ton Guttierez, Jimwell Stevens, at Jestoni Alarcon; ang mga beauty queens/actresses na sina Sherilyn Reyes, Maricel Morales, at Rochelle Barrameda; ang social media influencer na si Darla Sauler; ang batang businessman na si Lance Tan; at ang mga veteran character actresses na sina Anne Feo at Shyr Valdez kasama din sina Alyana Asistio, Kakai Bautista, at Boobay.
“Ito ay dream come true,” sabi ni Rhea.
“Ang flagship store na ito ay isang testament kung ano ang kayang gawin ng hard work, dedication, at steadfast prayers.”
Para sa mga karagdagang mga balita at updates ukol sa Beautéderm Corporation, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautéderm sa Facebook.