NI: Nora V. Calderon
NAGBABAKASYON ngayon sa Rome si Kapamilya actress Angelica Panganiban with some friends, at sa pamamasyal nila sa isang lugar doon, ang pamosong Spanish Steps na nag-pose siyang nakaupo doon, nasita siya ng pulis at pinaalis.
Emote ni Angelica sa kanyang Instagram wall na @iamangelicap: For almost 28 years, I have been infront of the audience. Naramdaman ko pano mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano, magsalita, lumaban, para sa sarili mo. Sa pag-upo ko sa Spanish Steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo dito. Sorry na po mga pulis – at least, naka isa.
Maraming tagaroon na mga kababayan natin ang nag-comment. May nagtaka bakit daw bawal magpa-picture, may nagsabi naman na matagal na raw bawal doon, o kahit saang lugar sa Rome.
Sabi ni @noelescondo: bawal umupo, sana humiga ka na, na sinagot ni Angelica na @noelescondo: di ba, pahiga na posing ko? Dyan ako nasita. Sinisita nila lahat. Kahit sa Trevi, bawal na umupo.
May mga nagpayo naman kay Angelica na, “ingat sa pag-upo kung saan-saan, Angge!”
Kaya raw pala wala nang tao, dati raw super dami pumupunta roon.
Say naman ni @pinkay720: Halaaa idol, may multa na dyan kapag umupo. Ingat po.
Marami namang nag-i-invite kay Angelica na pumasyal sa ibang lugar sa Rome. Nasa Rome si Angelica dahil doon siya nag-celebrate ng 33rd birthday niya ngayong Monday, November 4.
Ayan, may advice na sa inyo si Angelica, iyong mga may balak magpunta ng Rome, tandaan ninyo, bawal maupo kung saan-saan doon.