BY: Rohn Romulo
INILABAS na last November 5 ang first trailer ng Write About Love na official entry ng TBA Studios sa Metro Manila Film Festival, na pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Yeng Constantino, at Joem Bascon.
Mula ito sa direksyon ni Crisanto Aquino, ang Write About Love ay tungkol sa young writer (Miles) na makikilala ang isa pang writer (Rocco). Magti-team up sila para tapusin ang isang love story na kung saan ang dalawang characters ay gagampanan naman nina Yeng at Joem.
Sa pagkukuwento ni Direk Cris, hand-picked nila si Miles, wala daw siyang ibang ma-imagine for the role kundi ang young actress. Perfect na perfect, pati sa age at writer din ito.
“Nakatrabaho ko na siya noong hindi pa ako director,” kuwento ni Direk Cris.
Ang liit pa raw ni Miles noon sa Sa ‘Yo Lamang na kung saan gumanap itong anak ni Lorna Tolentino.
Nakita raw niya ang progress ni Miles bilang actress, sobra siyang nag-mature at gumanda.
“Si Miles hindi talaga nag-audition, pero kailangan ko lang idaan sa screening din, for formality lang, pero nasa isip ko na siya, gusto ko lang siyang makitang umarte.
“Para lang malaman kung tama ang instinct ko na siya talaga ang perfect for the role.
“Pero sila, ang daming nag-audition na singers para sa role ni Yeng. Si Joem at Rocco, nag-audition, taga-ABS at GMA and even independent agencies.
“Then, finally nakuha silang tatlo, kasama si Miles.”
Tsika pa ni Direk Cris, maraming mas sikat pa na aktor at singers ang nag-audition for the roles, pero hindi na lang niya sasabihin.
Sa totoo lang, napakaswerte ni Direk Cris na ang first movie niya na Write About Love ay napili ngang official entry sa MMFF at mapapanood na sa December 25.
Kaya naman sobrang saya niya dahil hindi talaga nila inasahan na kakabugin nila ang iba malalaking entries, kaya naman maging ang mga big bosses ng TBA Studios na sina Chairman Fernando “Nando” Ortigas, CEO Eduardo “Ed” Rocha at President Vincent “Ting” Nebrida ay masayang-masaya rin sa ginanap na thanksgiving presscon na ginanap sa Cafe Ysabel, San Juan.
Umaasa sila na magugustuhan ng manonood ang kanilang pinagmamalaking pelikula, “TBA Studios is confident that ‘Write About Love’ is going to be a success because aside from it being the only romantic, feel good entry at the 45th MMFF, the film was made in honor of the 100 Years of Philippines Cinema,” pahayag pa ni Mr. Nebrida.