NI: Rohn Romulo
MAY pasabog na post ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang instagram last Wednesday, February 5.
Post niya sa @aldenrichards02: Morning mood be like…swipe left.” Kasama nito ang dalawang photos, na kung saan muli niyang ipinakita ang kanyang abs, na pinagdudahan ng ilang bashers.
Parang ito na ang sagot ni Alden, na totoong-totoo at pinaghirapan niya ng husto ang kanyang abs para sa maging endorser ng isang tuna brand.
Sa media launch ng Centerstage, ang newest musical competition (para sa young aspiring performers na mag edad na 7 to 12) ng GMA-7 na kanyang iho-host, natanong kay Alden ang panggugulat niya sa pagkakaroon ng abs.
“Tinago ko po kasi siya,” sabi niya.
“Kumbaga, hindi ko pinakita na nagpi-prepare ako. Pag naggi-gym ako, parang pa-dumb bell-dumb bell lang.
“Pero hindi talaga ako nagpakita para may surprise for 2020. Parang I owe it to myself, ilang taon ko nang sinasabi na gusto kong magka-abs, pero puro drawing lang.
“So, ito pinilit ko talagang gawin. Pinilit kong magkaroon. Hard work, effort and dedication. Nag-diet talaga ako.
“From the original weight, siguro atleast 25 to 30 pounds ang na-shed within three to four months.”
Anyway, si Betong Sumaya ang magiging co-host ni Alden. Sina Aicelle Santos, Mel Villena at si Ms. Pops Fernandez ang magiging hurado.
Mapapanood na ang Centerstage sa February 16 (7:40 pm) at mula sa direksyon ni Louie Ignacio.