Matteo, nanuntok daw ng bodyguard sa kasal nila ni Sarah; Mommy Divine, walang kaalam-alam kaya napasugod

NI: Rose Garcia

KASAL na nga sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Hindi kuryente ang inilabas ni Ricky Lo sa Phil. Star noong February 20 dahil kaya maagang na-pack-up si Sarah sa The Voice Kids taping ay sumegueway ito sa kasal nila ni Matteo.

Totoo rin na sa BGC magaganap at sa nakarating sa amin, sa Shangrila Hotel, BGC. Sa naturang hotel na rin ang naging reception.

‘Yun nga lang ay nauwi sa gulo at pisikalan ang kasal. Diumano’y hindi napigilan ni Matteo ang sarili nang suntukin nito ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara sa hinalang ito ang nagsabi sa mommy ng singer/actress ng tungkol sa kasal.

sarah & matteo

Itinanggi ito ng bodyguard na nagpunta sa Police Community Precint No. 7 sa BGC bandang 3:30 in the morning, dala ang medical certificate nito para ipa-blotter ang actor.

Lumalabas ngayon na wala talagang alam ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa naging kasalan. Nang dumating daw ito, hiniling nitong makausap ang anak. Around 11 pm nang saktan daw ni Matteo ang bodyguard.

Wala pa kaming makuhang kuwento kung ano ang naging reaction ni Sarah sa lahat ng nangyari. Pero dahil sa pangyayaring ito, si Mommy Divine pa rin ang nasa loosing end, lalo na kung mababasa ang comment ng halos lahat ng netizens.

Isa lang ang malinaw, na sa kabila pala ng announcement nila na engaged na sila, tila tutol pa rin si Mommy kay Matteo para sa anak. Tuloy karamihan ng comment, puro negative kay Mommy Divine. Ang tanda na raw ni Sarah para harangin pa itong maikasal.

At siyempre, hindi lang daw pala sa pelikula ang ganung eksena, sa AshMatt din!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s