MYRTLE, itinangging lumipat dahil sa ‘franchise issue’ ng ABS-CBN, gustong makapareha si ALDEN

NI: Rose Garcia

Officially, isa ng Kapuso si Myrtle Sarrosa.

Timing nga lang ang paglipat ni Myrtle na may malaking isyung hinaharap ang former network niya, ang ABS-CBN tungkol sa franchise.

Pero itinanggi ni Myrtle na may koneksiyon don ang naging paglipat niya ng network.

Ayon kay Myrtle, “Actually, nag-worry ako na itatanong ang question na ito. Pero honestly po, hindi po ito naging factor sa naging decision ko.

      “Like I’ve said, I’ve been auditioning for it, October last year pa. Nagkataon lang po talaga na natagalan po ang desisyon ko to move. Nagkataon lang po talaga. It was just a coincidence.”

MYRTLE-SARROSA

      Nakapag-taping na rin siya ng Tadhana bilang isa sa mga una niyang guesting. Aminado si Myrtle na matagal na niyang iniisip na lumipat sa GMA pero still, even late last year, naging matagal pa rin ang proseso dahil gusto raw niyang makapagpaalam muna ng maayos sa lahat sa ABS-CBN na una niyang naging tahanan for the past 8 years.

Si Myrtle ang grand winner ng PBB Teen 4. May kaba dahil bago nga naman sa kanya lahat ngayon pero sey niya, “sobrang saya. Napakasaya ng puso ko now that I’m a Kapuso and with the welcome that they’re giving me.

      “Simula pa lang nang nag-audition ako and nakausap ko sila, sinabi nila sa akin na kailangan nila yung tulad ko, sobrang saya.”

Kung may Kapuso actor man na gustong makasama o makapareha si Myrtle, ito ay walang-iba kung hindi ang Asia’s Multi Media Star na si Alden Richards.

Alden Richards_1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s