NORA, sigurado na magaling si KYLINE na tulad niyang Bicolana

BY: Nora V. Calderon

UNANG ginawa ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa Regal Films ang romance-drama na Bilangin ang Bituin sa Langit noong 1989, pero ngayong 2020, after 30 years isasalin ito sa TV ng GMA Network.

Hindi ba siya tumutol na gawin ito sa TV?

      “Wala naman,” sagot ni Mama Guy sa media launch ng serye.

“Iyon lamang marami silang gagawing pagbabago dahil teleserye na ito at araw-araw mapapanood hindi tulad sa sine, at ia-update nila ang story na nababagay sa panahon natin ngayon para sa mga televiewers.

      “Tulad ko, dati ay ginampanan ko ang role nina Magnolia at Maggie.  Dito ang role ko ay si Cedes na dating ginampanan ni Perla Bautista.  Namatay ang character ni Perla noon, kaya ngayon for the expanded TV version, ako na si Cedes at anak ko si Mylene Dizon as Magnolia or Noli at si Maggie na anak niya ay gagampanan ni Kyline Alcantara.”

BBL_3 WOMEN_007

      Dagdag pa ni Nora, mas makapal at madrama ang role ni Cedes.  Asawa ni Cedes si Damian played by Ricky Davao, na may-ari sila ng isang malaking grape plantation sa La Union (doon sila nag-taping) at mahal sila ng mga farmers nila.

Pero dumating sa buhay nila ang mag-asawang Ramon (Dante Rivero) at Martina (Isabel Rivas) dahil na-in love si Magnolia kay Anselmo (Zoren Legaspi), na anak ng mag-asawa.     Ayaw ni Martina kay Magnolia kaya inutos niyang sunugin ang ubasan nina Cedes, napatay pa si Damian kaya sa galit ni Cedes, napatay niya si Ramon.        Magtatago sa batas si Cedes at aampunin ng mayamang si Edith (Divina Valencia) at doon muling makakabangon si Cedes at ang kanyang anak at apo.

Tiyak na labanan ng acting ang buong cast lalo na ang director nila ay si Laurice Guillen na kilalang director ng top-rating teleseryes sa GMA 7.   Natanong si Guy kung mahusay ba si Kyline Alcantara? Wala pa raw silang eksenang magkasama, pero sigurado raw mahusay si Kyline dahil tulad niya ay isa rin itong Bicolana.                  Pakiusap ni Guy na sana ay magustuhan ng mga televiewers ang Bilangin ang Bituin sa Langit, na una niyang proyekto sa GMA na mapapanood sa Afternoon Prime.

Nag-world premiere ito noong Lunes, February 24, pagkatapos ng top-rating series ng GMA, ang Prima Donnas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s