ROXANNE, nilasing muna ng direktor bago napapayag na magpaka-daring sa ‘Fluid’

NI:  Rohn Romulo

BIBIDA sa 4-part series si Roxanne Barcelo sa kakaibang romcom na Fluid na kung saan makakasama niya ang Binibining Pilipinas Globe 2015 at international model na si Ann Colis, Joross Gamboa, Al Tantay, Ann Colis at Janice de Belen na ipalalabas sa iWant.

Ito ang follow-up ni Direk Benedict Mique sa kanyang very successul movie na Momol Nights na pinagtambalan nina Kit Thompson at Kim Molina at prinodyus ng Lonewolf Productions.

Mag-dyowa sina Roxanne at Joross sa story pero maghihiwalay dahil nahuling nagloloko. May makikilala siya na pumapatol sa kapwa babae.

Ayon kay direk Benedict nangyayari naman talaga sa exclusive school ang girl to girl relationship at maging sa showbiz industry ay parang nagiging open na rin, kaya doon siya nakakuha ng inspirasyon na puwedeng maging topic sa isang serye.

Magso-shoot na sila this month and hopefully maipalabas na ngayong Marso.  First ito ni Roxanne para sa iWant at first time din palang aarte ang ka-partner niyang si Ann na mukhang palaban.

fluid

Kuwento pa ng direktor, ito ang magiging pinaka-sexy at daring role na gagampanan ni Roxanne na kanilang napapayag.

So para mapapayag namin si Roxanne, nilasing muna namin, si Ann naman hindi nalasing pero payag siya,” sabi ng direktor.

Dagdag pa niya, “It’s a fun story kasi same world ng Momol, same edginess, we will start actually with the film with the Momol cast.

      “One of the cast ng Momol, magko-cross over sa Fluid which is si Wings, si Ihman Vera, na maganda na bastos ang bunganga na liberated.       “Tatalon siya kasi she’s one of the friends of Roxanne. Sinadya namin na this is the same world of Momol and iWant recognize the edgy, modern and very liberating concept so this is the follow up of Momol Nights, actually.

Natanong naman si Roxanne kung may experience na siya sa girl to girl relationship.

      “Ako naman, 9 years ako sa all-girls school, hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend pero ang dami kong barkada, beshie ko,” sagot niya.

Kung baga for me like Ann I’ve always ‘yung mga dyowa ko are men. And bata palang kasi ako nakakita na ako o naka-sight na ako ng anik at pagka-sight ko, I knew what I want it,” nakakalokang kuwento pa niya.

Tiyak na pag-uusapan ang Fluid lalo pa nga’t inamin ni direk Benedict na hubo’t hubad sina Roxanne at Ann sa love scene nila, pero wala namang ipapakita ang nipples at ‘yung kanilang private parts.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s