ALDEN, nag-iisang Pinoy na pasok sa Top 10 ng “Ultimate Asian Heartthrob of 2020”

BY:  Rohn Romulo

ANG Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nag-iisang Pinoy na pasok sa Top 10 ng “Ultimate Asian Heartthrob of 2020” sa poll na isinagawa ng Starmometer kung saan nasa 6th place siya sa listahan.       Sumunod sa pangalan niya ang mga sikat na international performers na sina V, Jungkook, Jin, at Jimin ng BTS, at ang Thailand actor na si Saran Sirilak.

Taun-taon ito kumakalap ng mga boto ng fans hindi lang sa Pilipinas pati rin sa buong Asya! Umabot sa total of 137,680 votes mula Facebook, Twitter, at Instagram ang nakuha ng Centerstage host.

Alden, kabilang saUltimate Asian Heartthrob of 2020 

Dagdag na naman ito sa mas dumaraming karangalan na natatanggap ng Kapuso star.       Congratulations, Alden!

Samantala, kahit naka-taping break dahil sa enhanced community quarantine, tuloy ang online auditions ng Centerstage para sa aspiring bida kids. Bukas ito para sa mga batang 7-12 years old.

Para mag-audition, magpadala ng maikling video na may introduction kasama ang pangalan, edad, at place of residence. Samahan ito ng audition song na acapella (walang kasamang instrument o tugtog) na hindi lalagpas sa dalawang minuto.

Pagkatapos, ipadala ito sa official Facebook page ng Centerstage.

Centerstage, may pa-online auditions para sa aspiring bida kids

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s