Nick Vera Perez, ayaw paawat sa pagtulong sa programa niyang “Pagkain Para sa Pamilya”

NI: Throy Catan

TUMUTULONG pa rin  sa mga kapus-palad ang Chicago-based singer na si Nick Vera Perez sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Natural kay Nick na maging mapagbigay lalo nang every year na niya itong adbokasiya na makatulong sa kapwa. Sa tulong ng kanyang charity group na NVP1 Smile World, binubuo nila ang feeding program na Pagkain sa Pamilya Program (PPP). Plano nilang makatulong sa mahigit 100 na pamilya.

In-explain ni Nick kung paano gagawin ang nasabing project:

“Planned PPP in four phases,

“Phase 1: packing contents – what we will include [sa ibibigay naming items]?

“Phase 2: How much we will pack?

“Phase 3: How many packs and how many families?

“Phase 4: Assignment/ Contributions. Turn around time.

“We have volunteers from Team Philippines sa NVP1 Smile World, it’s a charity arm of NVP1WORLD International which focuses mainly in the Philippines. Sariling atin.

nick vera perez 3

May gagawin sanang charity walk ang nasabing proyekto pero pinagpaliban na lang ito para sa safety ng tao.

“Since we cannot do our annual charity wal, we will do charity pa rin no matter what. The UST was the first then, which is bigger.

“NVProject: PPP is big and we concentrate on each crisis per crisis. This year we start with the pandemic crisis and our target assists only on 100 families stricken with poor of the poorest category.

“So we focus on all homeless, all nagkakarinderia na nawalan ng hanap-buhay, all street vendors, and tricycle drivers na nawalan ng mga income. Masaklap ito.

Hindi lang ito ang unang proyekto na nagawa nila. Tumulong din sila sa mga nasalanta ng Taal eruption last year.

“We only activate PPP on crises moments. Last year, we helped Taal with our NVProjecTAAL’19. We delivered relief goods to more than 80-100 families din.

“This is all voluntary and transparent contributions from all NVP1 worldwide fans. I call them angels. Whatever they give, I give double in the end to meet our goals.

“That’s why all my shows and events are always punched in with NVP1Smile World as this is my direct charity involvement aside from help like your baranggays,”

 

Kasalukuyan nasa Day 2 na ang pamamahagi ng relief goods at pagpapakain hanggang ika-10 araw.

Nagpasalamat si Nick dahil sa tulong nina Mr. Joewild at lahat ng NVP1WORLD angels para mas maayos ang pagpapatakbo ng distributions para sa tao.

Samantala, ang deadline naman ng kanilang pagtanggap ng monetarial contribution this Saturday, April 18. Mag-uumpisa na sila mamili ng mga relief goods sa Lunes, April 20. Umpisa na ng distribution ng relief goods from April 22 until 25.

Talaga naman nakakabilib ang adbokasiya ni Nick. Kahit busy siya sa Chicago bilang isa sa mga frontliner as nurse, nakukuha pa din niyang tumulong para sa kapwa .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s