KEEMPEE, nalinlang ang netizen sa pinost dahil effective ang kanyang joke

NI:  Ruel Mendoza

NAGULAT ang maraming netizen sa pinost ni Keempee de Leon sa Facebook noong nakaraang Lunes.

Pinost niya ang photo niya na naka-face mask at parang may hinihintay sa labas ng dalawang malalaking pintuan.

“Ganito pala ka tagal pag naghintay sa delivery room😩🙄…haaay,” caption pa niya sa FB post.

Dumagsa tuloy ang mga congratulation messages kay Keempee mula sa kanyang mga kaibigan in and out of showbiz. Kino-congratulate siya dahil magiging tatay na raw ulit siya. Naghihintay ng confirmation ang ilan sa mga nag-comment.

Keempee-De-Leon1

Matagal-tagal bago nag-reply si Keempee sa mga comments. At nung sumagot na siya, heto ang nakakatawang reply niya sa lahat ng nag-congratulate sa kanya.

“AY GUYS NAKALIMUTAN KO PALA LAGAY DELIVERY ROOM YAN NG GILINGAN. NAG PA GILING KASI AKO NG BEEF N PORK!

Nasa supermarket pala si Keempee at ang dalawang malalaking pinto na parang delivery room ay ang lugar kunsaan ginigiling ang mga malalaking bulk order ng mga karne!

May isang netizen nga ang nakapansin na mukhang hindi nga raw ospital yung kinatatayuan ni Keempee at sa likod niya ay may parang grocery cart.

Natawa na lang ang maraming nagpadala ng congratulations message kay Keempee dahil nalinlang sila sa pinost nito.

Pahabol ni Keempee na kahit tapos na raw ang April Fool’s Day, naging effective pa rin daw ang naging joke niya sa social media.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s