Nancy McDonie, binabatikos dahil sa comment na ‘nonsense’ ang ECQ; Lee Seung Gi, may open letter sa mga fans

NI:  Rose Garcia

INUULAN ng batikos ang isa sa miyembro ng South Korean girl group na “Momoland” na si Nancy McDonie.

Mukhang sa sobrang pagka-inip na yata nito sa serye nila ni James Reid, tinawag niya sa isang interview niya na “nonsense” ang ipinapatupad na enhanced community quarantine ngayon.

Kinamusta si Nancy tungkol sa ABS-CBN serye nila ni James na ang naging sagot niya, “I’m really excited too, but we’re haven’t been filming for a while. All these nonsense and quarantine whatever…”

93548100_228018358275321_9171942921631432704_n

May mga nagtanggol pa rin kay Nancy at sinabing hindi raw kasi dapat i-interpret ng literal ang sinabi niya, pero, lamang na lamang ang mga bumabatikos dito. Hindi naman nakapagtataka lalo na at ilang bansa nga ba ngayon ang nagtitiis na mag-quarantine sa kanya-kanyang bahay o ma-lockdown para lang ma-flatten ang COVID-19.

Ilan sa mga comments online, “Example of another beauty without brain.”

“Not everyone who speaks English thinks…. Oh, Nancy. You are nonsense!”

“Eversince sumikat yang si nancy, mas lalo ata siyang naging “problematic” kaya binansagan syang “Nancy problematic” sa korea eh dahil sa attitude niya. Daming hanash, ganda lang naman nag dadala.”

Damay naman ang JaDine fans, lalo na ang mga fans ni Nadine Lustre na diumano’y siyang tuwang-tuwa at push sa pambabash sa South Korean idol dahil sa “nonsense” comment nito.

lee seung gi1

Sa isang banda, halos sabay na araw sa paglabas ng video interview ni Nancy, ang open letter sa mga fans niya ng isa sa pinakasikat sa South Korean Hallyu star at masasabing way ahead kay Nancy not just in years in the industry but in-terms of achievements too na si Lee Seung Gi.

Kapansin-pansin kasi ang kaibahan ng pananaw nila lalo na sa nangyayari ngayong ecq o lockdown. Sa letter ni Lee Seung Gi, nabanggit din niya na marami raw sana siyang “gift” na activities sa mga fans, pero dahil sa lockdown, made-delay muna.

Part of his letter, “To Airens whom I love and am always thankful to.

“At a time when warm spring days are here and we should be enjoying their beauty, I think it’s become a time when everyone who has to lead a restrained life because of the virus is getting frustrated and increasingly stressed~

“But all of you who are practicing social distancing for yourself and for your family are truly wonderful citizens!!”

Maybe, Nancy can learn from her sunbaenim, huh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s