Legaspi family, tulung-tulong sa paghahatid ng donasyon

BY: Rohn Romulo

AKTIBO ang pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang mga anak nilang sina Mavy at Cassy sa pagpapaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan bunsod ng banta ng COVID-19.

Sa kabila ng enhanced community quarantine, ibinahagi ng Bilangin ang Bituin sa Langit star ang kanilang mga napack na relief goods katulong ang asawa na si Carmina at mga anak sa kanyang Instagram account.

Legaspi family, tulong-tulong sa paghahatid ng donasyon (2)

“Doing our part @mina_villarroel @cassy @mavylegaspi thank you for your effort and support para sa mga nangangailangan #toGodbetheGlory,” sabi ni ni Zoren.

Naantig naman ang puso ng mga netizens sa simple gesture na ipinaabot ng Legaspi family, “Ang bait po ng family nyo tumutulong kayo sa mga nangangailangan. Stay safe and God bless po sa Legaspi Family!”

Samantala, dahil tigil muna sa taping ang mga serye, pansamantalang napapanood ang Alyas Robin Hood kapalit ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s