Megan Young, inabutan ng tulong ang frontliners at aetas

BY: Rohn Romulo

DAHIL sa lubos na matulungin, hindi hadlang para kay Kapuso actress at Legal Wives star Megan Young ang pananatili sa bahay para magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan sa panahon ngayon ng krisis na kinahaharap ng buong mundo.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Megan ang Aetas of Pastolan Village sa mga sariwang prutas at gulay na kanilang ibinahagi na gagamiting sangkap para sa mga pagkain ng frontliners sa Olongapo.

Megan Young, frontliners at aetas inabutan ng tulong (2)

Bilang sukli sa busilak na puso ng mga aetas, hinikayat ni Megan ang mga malapit sa lugar na bumili ng mga sariwang pagkain mula sa kanila. Ang kanilang tindahan ay matatagpuan sa QRB Store along Binictican Road, Subic Bay Freeport Zone. Bukod sa pagkain, nagpaabot din ng PPEs sa frontliners sina Megan katulong ang batchmates niya mula sa Regional Science High School III.

Na-inspire naman ang netizens sa ginagawang pagtulong ng Kapuso star, “You always inspire me to be a better human being, Megan.”

Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Megan sa upcoming GMA series na Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s