MARIAN, inulan ng papuri sa dalawang version niya ng iconic scene ni NORA sa ‘Himala’

BY: Rose Garcia

INULAN ng papuri ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa dalawang version ng pagmo-monologue niya ng iconic scene ni Nora Aunor sa 1982 classic movie na Himala.

Si Marian bilang si Elsa na dinirek ng kanyang mister, ang Kapuso Primeime King na si Dingdong Dantes para sa Lockdown Cinema Club kunsaan, ang restored version ng Himala ang featured film.

himala-marian1

Sina Ricky Lee, ABS-CBN at iba pang taga-film industry ang nag-initiate ng online Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento para sa mga displaced filmworkers na nasa 1,000 halos ang bilang.

Kabilang dito ang mga utility, make-up artists, production assistants at iba pa. Kahit nga nasa kanya-kanyang bahay lang, ang ganda pa rin tingnan na nagkasama-sama ang mga sikat na artista, director ng Kapamilya at Kapuso sa makabuluhang online fundraising na ito.

Gaya nga ng sabi namin, inulan ng papuri si Marian na nagpakita ng kanyang kahusayan talaga sa pagiging isang dramatic actress. Kung paano ang bilis umiyak ni Marian at halos lahat ng comment, puring-puri ito sa husay sa pagganap. May mga kinilabutan pa rito.

Siyempre, mahirap mapantayan ang husay ng Superstar sa pagkakaganap niya bilang si Elsa, pero na-appreciate ng halos lahat ang ibang atake rin na ipinakita ni Marian.

May ilang hindi masyadong nagkagusto sa ginawa ni Nadine Lustre, parang nakulangan sila although nakita namin ‘yung ibang style niya at yung lalim din ng hugot niya.

Winner rin ang transgender na si Iyah Mina at si Jericho Rosales na naipakita niyang puwede rin palang lalaki sa karakter ni Elsa.

himala-dong yan

Hindi na namin natapos, pero nabasa namin na pinuri at pinasalamatan din ang iba pang artists na nag-participate gaya nina Aicelle Santos, Jodi Sta. Maria, Piolo Pascual, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Lea Salonga at mga director tulad nina Dan Villegas, Lav Diaz, Joyce Bernal at Olivia Lamasan.

Maganda ang kinalabasan ng editing dahil hindi naman magkakaharap ang mga magkaka-eksena. Pero siyempre, iba pa rin yung real at actual na scene talaga na sana, tulad ng dasal ng lahat, matapos na ang COVID-19 at makabalik na sa normal ang lahat, pati ang entertainment industry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s