CHYNNA at KEAN, siniguro na mabigyan pa rin ng meaningful birthday celebration ang panganay na anak

BY: Rose Garcia

ISA ang panganay na anak nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano sa nakaranas na mag-birthday sa panahon ng enhanced community quarantine na si Stellar o Peanut.

Pero, siniguro ni Chynna at Kean na mabibigyan pa rin nila ng meaningful birthday celebration ang panganay na anak.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Chynna kung paano naging extra special ang birthday ng anak. Agree kami na isa si Chynna sa mga celebrities na hindi talaga mahilig sa malaking party.

Aniya, “I’ve always loved simple celebrations but this year is extra special. The only thing we wish we had here is our family. Pero celebrating sila with us from their homes naman.”

Sabi ni Chynna na pahinga rin muna sa taping ng Idol sa Kusina dahil sa ecq, nag-request daw si Peanut ng pink cake para sa kanyang birthday. Buti na lang at may kaibigan siyang gumagawa ng cakes kaya nabigay nila ang request ng anak. Nag-order din sila ng baked macaroni sa kaibigang si Karel Marquez. Maging ang kanilang mga kapitbahay ay tumulong para maka-order sila ng doughnuts.

Kaya naman, masayang-masaya ang pamilya ni Chynna sa naging simpleng birthday celebration ni Stellar sa kanilang bahay.

Sabi nga namin, baka ngayong taon lang (hopefully) na may magdiriwang ng kaarawan na naka-lockdown. Hindi man normal ang selebrasyon pero posibleng baka isa pa ito sa maituturing na memorable birthday, lalo na ang pamilya ang kasama.

chynna & stellar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s