PIA, nag-virtual vacation muna sa beach dahil sa ECQ

NI: Ruel Mendoza

pia w1

MISS na miss na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang magtampisaw sa dagat.

Paboritong puntahan ni Pia ang beach lalo na kapag gusto niyang mag-relax dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Pero dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), hindi nga magawa ni Pia ang bumiyahe sa paborito niyang beach resort sa Boracay. Kaya naman ang puwede lang gawin ni Pia ay ang pagpantasyahan ang pagpunta sa beach.

Tawag niya rito ay “virtual vacation at the beach.”
“Break muna. Close your eyes and imagine nasa beach na tayo. A virtual vacation will do for now. Hanggang #throwback muna tayo guys,” post ni Pia sa Instagram.

Jeremy-Jauncey

Maraming followers ni Pia sa IG ang kinilig sa comment na “beautiful” sa kanyang post ng nababalitang boyfriend niya na si Jeremy Jauncey.

Heto ang ilang reaction ng netizens:
“Kilig talaga ako sa dalawa na ‘to. Di bale ng walang jowa basta sila magkatuluyan.”

“Grabe, pareho silang pinagpala. Both good-looking, brainy, at successful in their respective careers pa. Bagay na bagay!”

“And your handsome too! Naks, si malakas at si maganda. Both of you look good together.”

“Yaaas!!! A man who is in love is never afraid to declare it.”

“Ang swerte naman ni boy. Super ganda at bait ni Pia.”

(Photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s