ROCCO, napapasaya ng mga Corgi dogs ngayong magkahiwalay sila ni MELISSA

NI: Ruel Mendoza

DAHIL hiwalay physically si Rocco Nacino sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing dahil na ECQ, binubuhos na lang ni Rocco ang kanyang paglalambing kina Valentine, Arrow, at Cloud.

Sila ay ang mga Corgi dogs ni Rocco na nagpapasaya sa kanya habang wala pa siyang trabaho.

Na-realize nga ng aktor na sa sobrang busy niya noon, hindi niya napansin na nawalan siya ng panahon sa kanyang mga fur baby.

rocco & corgis

Ngayon ay tine-take advantage ni Rocco ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang mga alaga. Buong araw nga niya kasama sina Valentine, Arrow at Cloud mula sa paggising niya, pag-workout, pag-ikot-ikot sa bahay hanggang sa matapos ang buong araw.

“Sharing my OOTD with my corgis, since I realized during this ECQ that I haven’t really spent enough time with them when I was busy with tapings and shoots. Thank you for always making me smile pups!” post ni Rocco sa IG.

Bilang isang ring Philippine Navy reservist at frontliner, sumasama rin si Rocco sa paghatid ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ngayon.

(Photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s