ALDEN, ‘di pabor na mag-taping agad; 10th anniversary concert ipagpapaliban na

BY: Rose Garcia

HINDI na matandaan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kung unang beses pa lang ba niyang nag-IG Live, bukod sa ilang beses na kasama niya ang P.A. na si Tenten.

Pagkatapos nga ng kulang dalawang buwan, nag-IG Live na si Alden at yun na ang masasabing pinaka-naging visible siya sa lahat.

Ipinakita ni Alden ang mga collection niya ng Iron Man na sa dami, hindi pa raw kumpleto. Nasira na rin daw ang body clock niya since ecq at may time na 4 am na siya nakakatulog bilang aminado ito na talaga namang naglalaro ng Mobile Legends.

alden-richards (1)

May uniform daw siya habang nasa bahay lang, puro white shirts, boxer shorts at pajama lang daw ang suot niya. Ipinakita pa ni Alden kung gaano karaming white shirts meron siya dahil ayon dito, maginhawa nga naman sa katawan.

Sumagot din si Alden ng mga ilang katanungan. Isa na nga rito kung ano ang opinyon niya na magre-resume na raw ang taping at shooting ngayong May 1.

Ayon kay Alden, “In my opinion, parang hindi pa puwedeng mag-start ng taping. Kasi, taping– maraming taong involved. Parang maraming tao.

“If ever man na matuloy na mag-push through yung taping, baka minimal ang work force. I really can’t say kasi, it’s still up to GMA’s decision kung ano ang gagawin nila do’n.”

Natanong din namin si Alden na supposedly, naghahanda na sana ngayong mga panahong ito para sa ika-10th anniversary celebration niya sa showbiz. Kabilang na nga rito ang big concert sa Araneta Coliseum.

alden-richards-1

Pero dahil sa COVID-19 na alam nating lahat na wala pang kasiguraduhan kung kailan mawawala, hangga’t wala pang vaccine na natutuklasan, malamang daw na hindi muna ito mangyayari ngayong July 2020.

Aniya, “Sa ngayon po, most likely talaga it won’t happen in July. Kasi, even ma-lift yung ecq, mass gathering are still banned.

“Further update ko po kayo kapag may napag-usapan na kami.”

Sa IG Live ni Alden, nabanggit din niya kung paano niya pinangangalagaan ang health niya during COVID-19. Kapag lumalabas daw siya, sa garahe pa lang ay nagbibihis na siya, iniiwan na ang sinuot niya at diretso na sa kuwarto at saka maliligo.

Kasama rin niya sa bahay ang lolo at lola niya na hindi raw niya iri-risk ang health. Nagbigay rin si Alden ng mensahe sa mga frontliners.

Sabi niya, “Ilang beses ko ng sinabi na thank you. Pero siguro, kung wala yung frontliners at the moment, COVID-19 would have taken 50-60% of the world. So, it’s really them. We should really owe them a great sense of gratitude and sobra nilang– buhay na, e. Buhay na nila ang nilalagay nila sa bingit and they’re doing it selfishly.

“Ang dami kong nakausap na frontliners kahapon at sabi ko, bakit niyo po ginagawa, hindi ba kayo natatakot? Tapos sabi nung isang frontliner na nakausap ko, kapag natakot, sino ang magliligtas? Kapag may natakot, sino ang popronta. Kaya yung tapang na binibigay ng frontliners is really commendable.

“Sila talaga yung saving grace natin dito. Maraming-maraming salamat po at makakayanan din nito. And yung mga frontliners who passed on, you’re our new heroes. Hindi po natin makalalimutan.

“At isa po kayo sa mga rason kung bakit kami ligtas.”

Pumalo rin ng kulang anim na libo ang nanood ng live ni Alden at mababasa sa mga comments ang pagka-miss na sa actor.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s