MARLO, nagawa ang “Seri’s Song” dahil sa paghanga sa C.L.O.Y. star na si Son Ye Jin

NI: Rose Garcia

BILIB kami sa mga artistang nagagamit ang panahon na naka-lockdown sila sa iba pang makabuluhang bagay.

Marami na rin sa mga ito ang kahit na nasa bahay, nakagagawa ng paraan para makatulong sa mga frontliners ngayong panahon ng COVID-19.

Pero ang Kapamilya star na si Marlo Mortel ay ginamit ang mahigit isang buwan na niyang stay-at-home sa pagsusulat ng mga kanta.

Aba, naka-limang bagong kanta na ito na sinulat, inareglo at ininterpret na rin gamit lang ang kanyang laptop at michrophone.

marlo-mortel

May kanta siyang ang naging inspirasyon niya ay ang bidang actress sa k-drama na Crash Landing On You na si Son Ye Jin na ang title ay “Seri’s Song” dahil crush daw niya ang 38 years old South Korean actress.

May kanta rin siya na nagawa para sa dating ka-loveteam na si Janella Salvador, ang “Mayakap Kang Muli” na inspired naman ng “I Love You Since 1892.”

Nakausap nga namin si Marlo at sey niya, pang-lima na ang kalalabas niya na brit indie rock na “Lights Out, Volume Up.”

Nasa Youtube account ni Marlo ang mga ginagawang kanta at pinapanood namin ito dahil in all fairness sa kanya, parang sa isang studio niya ginawa ang mga songs at magaganda talaga.

son-ye-jin

May talento talaga si Marlo sa singing at songwriting. At sey pa niya, yung susunod niyang ilalabas, meron siyang maka-duet. Na for sure, through online lang din dahil naka-lockdown pa nga.

Dahil extended uli ang ecq, so kung itutuloy-tuloy lang ni Marlo ang pagsusulat at pagre-record ng sariling kanta, hindi kami magugulat kung pagkatapos ng ecq, may mailo-launch na itong full album.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s