ZOREN, dinaan sa paglalaba gamit ang paa ang pag-e-exercise

NI:  Ruel Mendoza

ISA sa nagiging exercise ni Zoren Legaspi ay ang biking.

Pero dahil sa ECQ ay hindi na niya magawa ito. Kaya para laging nawu-workout ang mga legs ng aktor, sa paglalaba na lang niya ito dinaraan.

ZOREN LEGASPI (11) (1)

Hindi nga nahihiyang ipakita ni Zoren via social media na siya ang gumagawa ng laundry sa kanilang bahay. Pero ang paglalaba ng aktor ay old school, meaning hindi niya ginagamit ang kanilang washing machine at gamit niya ay ang kanyang mga paa!

Tinatapak-tapakan ni Zoren ang mga damit na nilalaba niya. Dahil malapad ang paa niya, para ngang palo-palo ito kaya mas matatanggal daw ang mga dumi sa kanilang mga damit.

Ayon pa kay Zoren, hindi lang daw paglalaba ang kanyang ginagawa dahil dagdag exercise na rin daw iyon para sa kanya.

“Old school laba… cardio workout. Hindi porket naka-hanger sa cabinet eh malinis na!,” post ni Zoren sa Instagram.

Natuwa ang maraming netizens sa pagiging masipag na ama ni Zoren.

“Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!” comment ng isang netizen sa labang paa ni Zoren.

ZOREN LEGASPI (6)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s