ARNY, walang choice kundi iurong ang wedding nila ni FRANKLIN dahil sa COVID-19

NI:  Ruel Mendoza

WALANG choice kundi iurong ng sexy Bubble Gang cast member na si Arny Ross ang kanyang wedding sa fiance na si Franklin Banogon.

Naka-set sana ang wedding nila noong January 2020. Pero dahil biglang pumutok ang Taal Volcano kaya naghanap sila ng ibang date na puwede.

“Sinet namin siya ng December 2020 na. Nung January 2020 kasi nagka-ash fall, di ba? So, sabi namin perfect na ‘yung December,” sey ni Arny.

arny & franklin1

Pero dahil sa COVID-19 at nagkaroon ng quarantine, na-postpone naman ang prenup shoot ni Arny at Franklin ngayong April.

“Dapat tapos na ‘yung prenup namin ngayong April. Kaso because of this virus kailangan i-move. I ask the photographer kung kelan puwede or possible, feeling niya daw mga July na yan.”

Marami pa raw na hindi natuloy tulad ng meeting nila sa kanilang wedding planer, sa suppliers at sa designer ng kanyang isusuot na wedding gown.

“So far, okay naman ako kahit ma-late na ‘yung prenup, ‘yung planning medyo nai-stop siya kasi dapat nasa wedding gown na sana kami parang ime-meet na namin ‘yung designer, hindi natuloy.

Pinagdarasal ni Arny na sana ay matapos na ang pagkalat ng virus at maging maayos ang pagplano nang pag-iisang dibdib nila ni Franklin.

(Photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s